ultra sound
Sino po yung mga buntis na nag pa 3D ultra sound po para makita ung actual na face ng baby, at magkano po kaya ang aabutin sa ganun po. Salamat po sa sasagot.

ang price range ay 2k-5k depende sa package na gusto mo. di ko natry pero maganda sa Hello, Baby! nag 2d kasi kami.last time, pero nakita naman na namon don yung face kaya di na kami nagpa 3d :)
check mo po sahello baby kung around metro manila ka lang po. may mga packages sila. ang kinuha po namin 2k. kasama sa package yung picture with frame at mag ssend sila soft copy sa email mo.
2k lang po sakin sis , sa Doc Aid Sa QC po 4d na po. maganda pa doon kung hindi active yung baby mo sa actual Schedule mo pwede kang bumalik for free then may Picture na po ni baby and Frame.
Saken po 1850 4D ultrasound sa DOC AID DIAGNOSTIC CENTER QC BRUNCH, super ganda and nakaka proud po pag nakita mo face ng baby mo mas lalo kang ma eexcite ma meet siya in person 😅🥰🩷
Ako po late na nakapag 3d ultrasound dapat pala mid 26-28 weeks, inabot po ko ng 999 dito samin sa las piñas dipende siya sa package. Pag may video ka 1299, name ng clinic is Healthsense.
sa the baby ultrasound sa may Robinson Malate 1700/1800 ata. hnd ko nga Lang natry Kasi maxado na daw malaki si baby. Ssvhin Naman nila sau Kung pwede pa i-3D ultrasound and ippakita din.
1st time mom ako , satisfied nako sa ultrasound 100 pesos 😊 mas gusto ko ma surprise pag na ilabas kuna si baby yun yung pinaka the best na moment for me 🥰 7months preggy here 😇
5k 4D ultrasound sa In my womb SM Megamall. Though naka 3 kami na balik kasi di makuha full face ni Baby. Anterior placenta din kasi ako. Check that as well para di sayang yung pera mo
Tag 3k po mamsh, Pearl Package sa Hello Baby Ultrasound sa may fishermall kung saan ngpa 3D/4D rin sila Viy Cortez(Team payaman) at Kitkat..😊 May kasama na siyang mga pics at frame.
P950 if photos only then 1,500 with video nka promo po sila ngayon kaya mura. 3D/4D Ultrasound LDC Diagnostic Pasig City Kakatapos ko lang po dun and very satisfied with the result.
Magbasa pa


