Amoy na nakakahilo 👃
Sensitive ba ang pang-amoy mo noong/ngayong buntis ka? Anong amoy ang hate na hate mo?


ung ginisa po tska ung virgin coconut oil na nilalagay ng mama ko sa hair nya everyday hahaha!
Pabango ng asawa ko, na kahit nasa 2nd floor ako at nasa first floor siya naaamoy ko pabango niya.
sabon! kahit na ano basta sabon..baby wash ni toddler, dishwashing, panglaba at kahit shampoo..🤣🤣
Sobrang hate ko yung amoy ng pinipritong fish, yung oil na used. Hahaha nagtatago ako sa kwarto everytime na nagluluto asawa ko 😂
kahit anong ginigisa. ayoko ng amoy ng pritong itlog or longganisa ayoko ng amoy ng kumukulong tubig amoy ng kanin lalo na ng bahaw
Magbasa paSa akin po lahat nakakasuka. Pero nung nasa 4 months na kmi ni baby mejo naging okey na pang amoy ko pero meron prn konti.
Amoy nang sinaing tapus mga amoy na nag gagata at amoy nang mga malalansa.😒😏
amoy ng ginigisang bawang at amoy ng usok ng printong ISDA at amoy ng kape yan ang mga ayaw na ayaw Kong maamoy
Amoy ng pinagsama samang ulam. Kagaya pag napapadaan sa karinderia or may nagluluto. Ayoko non please
amoy ng ginisang bawang, yung kalalagay lang sa mantika, amoy ng alamang, at seashells na orange 🤣 (hipon, crabs, lobsters....)



