Amoy na nakakahilo 👃
Sensitive ba ang pang-amoy mo noong/ngayong buntis ka? Anong amoy ang hate na hate mo?


sobra,as in di ako maktulog... bumili ako ng humidifier pero lalo ako nainis.. amoy pintura na amoy gaas ang amoy ko! binarter ko nlng sa inis ko. 🤣
ako amoy ng usok ng tricycle tsaka jeep kaya lagi akong may baong vicks.tsaka ginigisang bawang.kumukulong sinaing .
Lahat, kahit anong pagkain na niluluto mabaho. Kaya hindi ako nakakakaen puro prutas lang even vegetables mabaho lalo na ang rice.
Perfume po, shampoo, lotion tyaka mga sabon haha. 😂😂 Halos ayoko na maligo eh naaasiwa ako sa amoy nila 🤣
amoy ng alamang or amoy ng ref na binubuksan tapos amoy ng tatay ko hahahahaha ano paba yung mga ulam na masyadong mabango, nakakasuka
hate na hate ko yung amoy ng panglinis ng cr sa office. 😅 pag mag cr ako laging may takip yung ilong ko kasi nasusuka talaga ako sa smell nya. hahaha
Nung first trimester ayoko ng sibuyas at bawang..Nag-aaway kami ng asawa ko kapag nagtatadtad palang siya mas lalo na paggigisahin..after that wala na naman na..
Sobrang sensitive nung buntis ako😂 napakaOA ng pang amoy ko nun.. Hahaha pinaka ayaw ko nun yung amoy ng bayabas atsaka toothpaste.. Sukang suka talaga ko😂
karne ng manok baboy kahit isda pati ginigisang bawang at sibuyas 🤣pansit canton bagong saing na kanin hanggang ngayon ayaw ko padin ng bagong saing na kanin
Ginisang baboy at some point lang naman hindi ako kumain noon kasi ang baho nya Pero ngaun 22 weeks na si baby hindi na ko masilan



