tired of taking care of my baby
pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

Ako dn po namimiss kna mgwork.pero pag nagsmile na sau si bebe maiisp m mas masarap magalaga at mahirap iwan si bebe...tyagaan lang mami,minsan lang sila maging baby.mabilis ang panahon..❤️sulitin ang nakakagigil na baby🥰
Ako hindi naman. Sanay naman akong nasa bahay, lalo na online seller din ako. So nababalance ko naman pag aalaga at pagbubusiness. Di rin ako sanay pag wala agad si baby if aalis or hihiramin. Namimiss ko agad 😅😅
mahirap maging magulang walang day off walang pahinga lalo na pag nanay ka minsan lang sila maging bata dadating yung araw ayaw na nilang mag pa yakap sayo kase malaki na sila sa ngayun kaylangan ka ng anak mo kaya alagaan molang sya....
nkakapagod nga po buong maghapon ako nag aalaga kay baby.. pero buti nlang meron akong maalaga at supportive na hubby, siya namn mag aalaga pag uwi niya galing work, patutulugin niya n ko tapos siya nmn mag aalaga kay baby, magpapatulog,
Yes dun sa feeling na gusto bumalik sa work or gusto magka work. Pero yungn feeling na pagod? No. Kasi makita ko lang baby ko nawawala na pagod ko. Siguro part pa din yan ng ppd mo mommy. Hoping you will cope up soon ☺️
Mahirap lalo na kung sanay ka tlaga magwork lagi. Pero mahirap ipaubaya sa iba yung baby mo. Lalo na kung hindi mother mo o MIL mo ang magaalaga. Wag susuko momsh! Ako nga mas gsto ko na ako magpalaki sa baby ko eh.
Ako nga sis. 1 month palang baby ko gusto ko na mag work Kaso kahit naliligo palang ako tas pinabantayan ko sya sa tita ko. Nagmamadali ako agad matignan lang sya. Di ako confident pag iba nag hahawak kay l. O
I am also a first time mom at the age of 21 and i can really say na sobrang hirap at nakakapagod talaga. Pero it's all worth it lalo na pag nag smile sya. Enjoy every single moments with your little one 😊
true nakAkapagod tlga, pero pag tumatawa na ang 2 months and 15 days old baby ko baklas ang pagod ko.. minsan lng sya baby mabilis lng ang mga araw chinecherish ko every moment namin syempre kasama ang ate nya na 11 years old na...
Nakakapagod talaga. Ramdam ko na ito ngayon wala pa nga 1month baby ko, nakakapagod lalo sa gabi pag puyatan. Wala man lang akong kapalitan magbuhat sa baby ko para makatulog kahit saglit man lang



