tired of taking care of my baby

pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

694 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Noong sinabi ni hubby na gusto pa niya ng baby sinabi ko as kanya na if ever biyayaan kami gusto kong maging full time mom kasi as dalawang anak ko halos mama at in-laws kong nag alaga. So far ngayong full time mom na ako nakakapanibago pero worth it naman ung pagod.

Postpartum mommy. Hehe. Ganon talaga. Ako na feel ko din yan noon kasi nakakapagod na sa bahay. Pero worth it naman lahat kasi nakikita mo mga development ng baby mo at kahit papano nakakawala din ng pagod yung mga lambing ng anak mo na ikaw lang hinahanap lagi..😊

noong Una napapagod din ako pero habang tumatagal at nakikita ko na lumalaki ng maaus anak ko nawawala na ang pagkapagod ko... sa lahat ng pagod na un worth it naman lalo na kapag ikaw hinahanap nya at tinititigan ka nya at samahan Pa ng napakatamis na ngiti hays nakakainlove lang 😍

Ayoko pa nga bumalik sa work kasi mamimiss ko si baby, di ako mapakali if around 10hrs in a day na hndi ko sya kapiling. Mommy, I know you're tired but time flies so fast po na d mu nalang mamalayan na malaki na baby mo, mamimiss mo sya na ganyan pa sha kaliit ngaun

Kahit napapagod na ako sa 3month old ko, mas pinili ko sya kaysa sa work ko. babalik na ako next week s trabaho and planning to resign na agad. Gusto ko makita lahat ng first ng anak ko. Ayoko na ikkwento lang s akin. Kung papalarin, sana makahanap ng work from home set up na trabaho.

mapapagod pero wag susuko... pahinga lang mi... saglit lang sila baby kya dpat sinusulit natin... baby girl ko d ko namamalayan 3 mos.old na bukas... sabi q sa sarili ko ang bilis bilis naman... nag eenjoy palang ako... ganto ata talaga kpag tagal na sundan tas only girl pa🥰♥️

VIP Member

Yes, I feel you. Pero nawawala ang pagod at inis twing nakikita mo si baby na nakangiti sayo. Enjoy the moment habang baby pa sila ika nga just inhale-exhale lang kaya mo yan! kaya natin to'! 3months na din baby ko at wala hubby ko katuwang mag alaga pero kinakaya. Fighting mamsh 💪💪

5y ago

5kilo po sya. ngayon ang vitamins nys propan drops

di ako nagsisisi na nag resign ako sa work ko para mag-alaga ng anak ko. mas gusto ko pang mapagod sa anak ko at gawaing bahay kesa sa paper works. sigurado ko na yung mga working moms mas gusto din na mag alaga nalang ng anak nila kesa mag work.

I feel you mamsh. Mag 2mos pa lang si LO ko sa jan 5. Napapagod na din ako mag alaga. Pospartum kaya nagkakaganto tayo. Tatagan mo na lang sarili mo sis. Wag mo isipin na pagod ka na mag alaga. Malalagpasan din naten tong pospartum na to. 😊😊

Yes nakakapagod pero worth it naman. Sabi ko sa sarili ko na once na maging nanay na ako, magpapaka nanay talaga ako😁 yun bang titiisin yung pagod at puyat ng pag alaga sa anak. Ayoko din iasa sa iba ang pag alaga ng baby ko.😉