tired of taking care of my baby

pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

694 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mag ME time ka, hindi masama na magkaroon k din ng time kahit ilang oras lang para sa sarili mo. We need that at least para naman ma regain natin ang sanity natin sa pag babantay sa ating mga anak. Wag po tayo ma guilty na umalis, lumabas ng ilang oras ng d kasama si baby. need po natin mag reset kahit papaano

Magbasa pa

feel ko din yan pero dapat hindi tayo mapagod sa mga baby natin lalo nat 1st time mom na katulad ko diba. challenge satin to. kaya go ang ng go kahit naiiyak kana rin pag hindi napatahan sa pag iyak. kung anu nu na ung ginawa mo ganems.. mahirap cguro hanggang 3 lang to. sana 5 mos pataas hindi na siya iyakin

Magbasa pa

yes po pero naisip ko mas kailangan ako ng anak ko kaya di ko nlng msyado iniisip, kc mas priority na si bby. normal lng siguro yan maramdaman ntn mommy kc nag aadjust pa tyo sa situation lalo na sa mga 1st time mom masasanay ka rin po nyan mas masarap sa pakiramdam Kung ikaw mismo nakikita mo ang paglaki nya.

Magbasa pa

kahit nakakapagod tas my topak aq minsan kc nga aq lahat sa bahay with a baby pa pero kapag nag smile c baby wala lahat ng topak q at napapakalma talaga aq hehehe! lalo kapag nakikipag usap n sya or ginagaya kana nya kapag nagsasalita naku po! may anghel agad bigla tawa nalang aq kahit sobrang bad trip q ๐Ÿ˜

Magbasa pa

nakakapagod talaga lalo na breastfeeding ka gusto ko na rn mag work kaya nga ang hinihiling ko eh ang lumaki agad sya mag 1 yrs old ba ung tipong gnyan ..., para maka work na rn ako at maka pag ayos na para sa sarili ko #firsttimemom hirap pala maging ina pero masaya pag nakikita mo sia malusog at masaya

Magbasa pa

Nakakapagod po talaga. Pero ako di ko kakayanin bumalik sa work , tapos ibang tao mag aalaga sa baby ko. Saka tama minsan lang po sila bata. Namnamin mo na momsh. Umisip ka nalang ng diskarte na pwede ka kumita kaht nasa bahay. Marami naman gumagawa non , kung kaya nila dapat kaya mo rin. Lavarn lang๐Ÿ’ช๐Ÿผ

Magbasa pa

Nakuh,bawal mapagod ang ina pag dating sa pag alaga ng baby.. Ang sarap kaya sa pakiramdam na tau mismo na nanay ang mag alaga sa ating mga anak...sulitin mo sis habang baby pa cla,,nakakawala kya ng pagod ung isang ngiti lang mg baby ko,tanggal pagod ko..dko na iniinda,..

may mga araw talagang ganiyan mamsh, yung parang bigla ka na lang mapapagod. gusto mo na lang magpahinga or mawala kahit 1day lang. ok lang mapagod wag lang susuko kaya laban lang, hindi habang buhay aalagaan natin sila kaya pakatatag lang mamsh!! darating din ang araw mamimiss din natin alagaan sila

Magbasa pa
VIP Member

yes nkakapagod pro everyday ko syang kinakausap then kpg ngsmile sya nwawala lht ng pagod ko even ung antok ko. sbi nila accept mo lng ung hirap mo pra sa anak mo then eventually di mo na maiicp yan kc anak mo nmn mgbibigay ng happiness at strength sau eh at sainyo ng partner mo. ๐Ÿ˜Š

yes, nakakapagod talaga but laban lang. nung first month ng baby ko, umiiyak pa ko dahil sa sobrang pagod at puyat. wala rin akong katulong, ako lang. ngayong 3 months na siya, nasanay na rin ako. gusto ko na rin mag work pero ang hirap kasi lagi kong iniisip baby ko, hindi ko kayang iwan. #firsttimemom

Magbasa pa