tired of taking care of my baby

pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

694 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di dapat, kasi once na iba na nag aalaga nyan at sila na ang napapalapit sa anak mo saka mo masasabi na sana pala ako na nag alaga para sa akin napapalapit loob ng anak ko, di naman forever baby ang mga anak natin, lalaki sila, magkakaisip at mamumuhay mag isa, mamimiss mo sila bilang baby pag dating ng araw

Magbasa pa

Normal lang mommy na maramdaman mo yan. Pero enjoy mo lang po, minsan lang sila baby. Ramdam kita mommy pero despite ng pagod at puyat ayaw ko pa talagang bumalik sa work. Mas gusto kong ibigay lahat ng time ko sa pagaalaga sa kanya. Pero hindi pwede, anytime soom need ko ng magwork. Laban lang mommy! 😊

Magbasa pa

Nope never ko na feel yan. Sa elder ko nalulungkot ako nung tapos na ML ko. Humirit pa nga ako ng 1 more month sa OB ko sabi ko d pa ako fit to work which is pinagbigyan nman ako. Gusto ko full time mom kaso hindi pwde need talaga kumayod together with husband para din sa baby. Hirap ng working mom.

Magbasa pa
TapFluencer

As a first time mom, yes. Naranasan ko na ang maiyak sa pagod, minsan sa inis sa sitwasyon. Pero never naman ako nainis kay baby ir nagalit. Siguro valid ang nararamdaman natin lalo na at overwhelming ang maging new mom. Pero pag nakita mo un baby mo nagsmile pag tulog, hay nakakawalang pagod.

di ko nafeel yan. ang nafeel ko lang dati na ayoko ng may magulo sa bahay. kakatulog lang ng bata. guguluhin na kami sa kwarto. na akala mo ilang araw di nakikita ang bata. magkasama lang naman sa bahay

3y ago

totoo po yan yung tipong puyat ka tapos ansarap na tulog ni baby tapos biglang may maiingay at magluluto ng umaga tapos mga kutsara mahuhulog ang ingay.

TapFluencer

naramdaman ko din yan lately, 3 months lang din baby ko ngayon. Halo halo nararamdaman ko, pagod, insecurities etc. sobrang laking pagbabago nangyari sa buhay ko pero iniisip ko nalang na kailangan pako ng baby ko at diko din naman syang kayang ipaalaga sa ibang tao kaya titiisin ko nalang hanggng sa pwede na ulit magtrabaho

Magbasa pa

Ako never ako napapagod kahit wala na akong tulog. On maternity leave aki ngayon... Pag iniisip ko plang na babalik na akoa sa work after ng keave ko parang na sad ako sa thought. Ayaw ko iwn anak ko at fully breastfeed ko sya. Parang gusto ko lagi ko katabi anak ko. Never ako naka feel ng pagod at inis pg dating sa anak ko

Magbasa pa
VIP Member

Yes na feel ko din yan before Mommy, kasi jan stage yung puyatan and kung iyakin si baby. I enjoy mo lang Mommy, sabi nga ng iba mamimiss din natin yan pag malaki na sila. Ngayon need ko na bumalik sa work, paramg ayoko pa kasi gustong gusto ko ako magaalaga kay Baby. Pero need kasi eh. God bless Momsh.

Magbasa pa

I'm a twin mom mi. Di pa makakabalik sa work kasi walang mag-aalaga sa kambal ko. Ako lang talaga mag isa nag aalaga sa kanila, may tumutulong naman sa akin, pero alalay lang di talaga full time na kasama ko nag aalaga. So yun mi Makaka bawi lang din tayo mi. Sobra nakaka pagod talaga mag alaga ng baby. I feel you ❤️

Magbasa pa

opo nakakapagud po tlaga lalo na puyat kapa minsan d kpa makaligo,pero inisip ko nalang minsan lang to minsan lang maging baby sila pag lumaki na d muna mahehele,ung mga ngiti ng baby na nakakawala ng pagud mamimiz mu un...kaya tiis lang at enjoyin nalang natin mga mommy kaya natin to😊 2 months nd 9 days baby ko🥰

Magbasa pa