Heragest
Mga momsh, sino sainyo yung may ganitong reseta?


nireseta sakin yan nung around 8 weeks ako kasi may nakita na mild hemorrhage nung nagpa-trans V ako. after a few weeks naging ok din
Me!!!.. Hirap kc ako mk2log..minsan 3-4 hours lng ang 2log ko a day. At the same time..pampakapit daw po sv ng ob.😊
Me. Twice a day. From my 19th week-24th week daw. Bigla bigla ako nag sspotting or contraction minsan.
Ako nman hanggang ngayon linalagay ko yqn sa pwerta ko kahit 7months na ang tiyan ko ksi lagi ako nag bleed
Momsh may I know the reason of your bleeding? 13 weeks here & more than a month na kong nagtetake, 2x a day na lang ngayon
Ako po 2nd trimester. Lakas po makaganda ng skin yan, kasi po technically umiinom ka po ng hormones
me po during my first trimester.. dinugo po kasi ako then strictly bedrest.. 2x a day po yun sken..
First trimester aq,iniinsert q s gabi..1 month po ata aq ng gnyan...ngaun 35 weeks n po aq....😇
Pampakapit, neresetahan din ako nyan nung 1st trimester ko pero kapag iniinom ko yan nahihilo ako.
Ako din.. kaya natutulog ako pag iniinom ko yan
Me. Until 7 months ako nag take nyan kasi sumasakit parin Ang puson ko nung time na yun.
Pampakapit kay baby yan momshie...😊7days mo sya take pag may subchronic hemorage ka





Excited to become a mum