riding motorcycles

Masama po ba tlga sa buntis ang umangkas sa motor kahit 40-60 kph lng ang takbo?

409 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mas gusto ko umangkas sa motor kase dahan dahan lang magpatakbo mister ko, unlike sa mga taxi tricycle jeep sobrang maalog dahil grabe sila mag patakbo. 4months preggy here.

Pwede naman daw basta wag lang yung ride na parang manila to batangas ang layo tsaka hindi daw po totoo na pag umangkas ka ng motor magkaka bingot yung baby.

5months na tiyan Until now nag aangkas padin ako sa motor ingat lang talaga at ngalay minsan.. kasi mas tagtag pa sa tricycle or jeep eh. Mas nakakastress pa sumakay sa ganon.

ako po 17 weeks pregnant pero umaangkas parin ako sa motor mabagal lang naman sya mag drive at iwas na din sa mga lubak na daanan, at tumitigil din kame para mag pahinga 🥰

pag inadvice lang po ng OB na bawal or kung maselan ka magbuntis. Baka kase matagtag sa byahe. tagilid po kayo ng pwesto. mahirap din kase mag commute lalo sa tric. at jeep

madami po nag sasabi pero awa nmn po ng diyos plagi ako nakaangkas sa asawa ko , ganun din sa first baby ko ksi Dati hatid sundo nya ako sa school eh ok nmn ung baby ko

20 weeks pregnant ako now. mula simula ng pag bubuntis ko halos araw araw ako umaangkas sa motor or tricycle sa hubby ko. praise god wala naman Nangyayari saamin ni baby.

ako nga 5 months na nagdadrive pa eh hahaha pero kung pinagbawalan ka ng OB mo syempre sundin mo. pero kung sabi sabi lang ng iba, syempre kanya kanyang experience naman.

first baby ko po since day1 siguro sumasakay ako nang motor mister ko naman yung driver kasi pag nag commute mas risky. Sa awa ng diyos hindi naman maselan pagbubuntis ko

Ask ko lang po.. Panu kau umangkas sa motor? Pa side parin po ba o yung back ride? Ang hirap kasi ng pa side pag back ride naman di ko alam panu hahakbang.. Salamat 😊