Accidental Pasaway
Hindi naman sa sinasadya mo pero hindi pa nga kasi alam di ba? May mga nagawa ka bang bawal dahil hindi mo pa alam na buntis ka?


Nag-aral ako magbike tapos kain galore kahit anong maisipan. After a month nagsuka na ko, delayed period, ayun baby pala 👶🏻
baku marami tulad nalang ng pag inom ng kape at softdrinks tapos kumain pa ng junkfoods pero biyaya ng Dios ok naman si baby 😊
Tumagay pero 1 lang kasi. ayaw talga ng partner ko ng umiinom..kaya patago ako tumagay😅😅
Yes nakainom ako before ng red wine kaya pala dalawang baso palang naiinom ko lasing na agad ako.
yes po last year december , nagpakulay ng buhok, nagbuhat ng sobrang mabibigat sa work. buti nalang sobrang kapit ni baby...
yes, I drank some beer because it was my husband's birthday not knowing I was already (I think) 2 weeks pregnant at that time.
hard exercise, inom ng kape,magpuyat ng todo dahil ecq pa nun wala naman pasok sa trabaho ..hehe
yes po nakainom ako ng kremil s d ko alam buntis na pala ako akala ko sinisikmura nanaman kase ako
Yung nagpa doctor ako at uminom ng gamot dahil sinisikmura ako. Didn't know na 3 months pregnant na pala ko during that time.
lypo Kasi malaki bilbil ko,pganda Lang Sana...dko Alam na buntis pla ako that tym.,Thankful ako Kasi okay pinanganak si baby.



