Accidental Pasaway

Hindi naman sa sinasadya mo pero hindi pa nga kasi alam di ba? May mga nagawa ka bang bawal dahil hindi mo pa alam na buntis ka?

Accidental Pasaway
637 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wla po.. I make sure kc na meron nko menstruation bago gumawa ng kung ano or uminom ng gmot since normal po ang mens ko.

VIP Member

yes. uminom ako ng sobrang madaming alak. di ako aware na 1 month preggy na ako. little did i know, last inom ko na yon. but still, nakainom ako noon 🥺

Yes po .uminom po antibiotic dahil tinubuan aco pigsa😔 that time po cguro 2weeks na tummy co hndi co alam preggy aco

yung tumakbo pra magjogging kasi d mo pa alam na buntis ka. nagkaUTI pa nga ko. kasi umaabot ng 8 hrs. nakakaisang beses ako inom tuwing lunch time lang.

VIP Member

7 weeks ko na nalaman na preggy ako, eh coffee lover ako kaya before ko malaman buntis ako everyday pa ako nagkakape nun, may effect po kaya un kay baby?

VIP Member

nag motor kami ng asawa ko na para kaming lilipad sa bilis 😆 di ko alam buntis na pala ko nun tagtag na tagtag ako.

ou uminom ako ng beer kasi dat tym were not in good terms ng hubby ko. pero di ko pa alam na buntis na pala ako.

umaakyat ako sa mga hogh ladders at umaakyat ako sa bubung. We are having home renovation I didnt know pregnant ako.

mag inom at mag yosi, everyday pa ako nag iinom non, mabuti nalang talaga nag pt agad ako pagka 2days kong delay

Nagbike pa ko papuntang trabaho! Hahahahha hindi ko alam na mag 2 months na pala akong buntis. Natakot ako bigla 😅