🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods

Mula November 24 hanggang December 1, magkakaroon tayo ng special Ask The Expert (ATE) session EXCLUSIVELY sa theAsianparent app kasama si Dr. Mitch Dado, OB-GYN! Kung ikaw man ay bagong ina, matagal nang mommy, o isang babaeng gustong mas maintindihan ang nangyayari sa katawan niya, normal lang makaranas ng iba’t ibang changes sa menstrual cycle at overall health — kahit hindi ka bagong panganak. Sa one-week ATE, pwede kayong magtanong tungkol sa: 🌸 Postpartum Recovery - Gaano katagal dapat ang recovery? - Pain, discharge, hormonal at emotional changes - Paano naka-aapekto ang breastfeeding sa katawan - Kailan pwedeng bumalik sa exercise o intimacy ⏳ Irregular Periods (Para sa Lahat ng Moms) - Mga dahilan ng irregular cycle sa iba’t ibang yugto ng buhay - Stress, hormones, timbang, PCOS, thyroid issues, at iba pa - Paano naaapektuhan ng pregnancy, breastfeeding, o birth control - Kailan dapat magpatingin sa OB-GYN 💬 Iba Pang Women’s Health Concerns - Pelvic pain - Vaginal health - Fertility questions - Hormonal imbalance - PMS - At kahit ano pang tanong tungkol sa katawan mo Walang tanong na “mababaw” o “masyadong personal.” Safe space ito para sa lahat ng Filipina moms at kababaihan. 📩 Ilagay lang ang tanong ninyo sa ATE box sa theAsianparent app. Sasagutin ito ni Dr. Mitch buong linggo para magbigay-gabay at suporta. ✨ Ang katawan ng babae ay dumadaan sa napakaraming pagbabago sa bawat season ng pagiging ina. Karapatan mong maintindihan ang nangyayari sa’yo — andito si Doc para tumulong. Sali na sa conversation, ONLY sa theAsianparent app, mula November 24–December 1!

🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods
52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi Doc! 2 months postpartum po. akala ko po nakarecover nako after a month bago manganak kasi as in kaya ko ng maglakad2 at totally wala ng pain, then netong nakaraan dahil sa bagyo nagbuhatbuhat ako ng mabibigat na bagay, now sumasakit po yung bandang right side abdomen ko papuntang right rib cage gang sa may side/part ng likod parang may naiipit kapag gumagalaw ako pero kung steady lang wala namn pong kirot..ano po kaya ito? thanks doc.

Magbasa pa
1d ago

ano pong pwedeng itake na pain relievers for breastfeeding doc?

doc ano po ma recommend nyo po na milk for newborn ? nag mimix feeding po Kasi ko ngayon Kasi milk ko po still nag start palang po di pa ganun kadami pa na produce. ung di po sana costly. last time po Kasi nirecommend samin infinipro HA , then ngayon po HIPP. may ma recommend din po kayo paano po maparami po ung breasmilk supply and ano pong electric breast pump na budget friendly na malakas mag sip ?

Magbasa pa

Gandang araw po Doc, 7 months post partum na po ko, kakatapos lang po nitong nakaraang linggo ang 1st Mens after birth ko po. Ano pong ibig sabihin kapag ganito? Kelan po ako pwedeng mabuntis bago ang mens o pagkatapos po? 4 days lang po pala tinagal, ano pong epekto nito? Dati po pala irregular ako. 2nd normal child birth ko na po pala. May dapat pa po bang malaman kapag nagkakaregla at breastfeeding?

Magbasa pa

hi doc, na CS po ako netong monday lang. Wala po akong gatas nung 1st day ngayon meron po pero sobrang konti. ung baby ko po panay tulog ayaw nya dumede kapag po sumisipsip sya saglit lang tas tutulog na ulit sya. normal lang po ba un? halos wala po kc sya mainom na gatas tapos puro tulog din agaw po maglatch. and any tips din po pampalakas ng gatas. salamat po

Magbasa pa
2d ago

Think positive thought! Being positive is the first thing you need to do para dumami milk mo. Negative emotions can decrease milk letdown. Next, you can take malunggay supplements, drink lots of fluids and make sure that you are eating healthy.

hello po doc, 1st time mom po ako. ask ko lang po bakit po kaya hindi pa po ako niregla ulit nanganak po ako noong march 2025. pagka april 2025 po nagkaregla na ako up to july 2025 po. tapos noong august hanggang ngayon hindi pa po ako niregla ulit. nag PT po ako twice last October negative naman po yung results. ano po kaya dapat gawin??

Magbasa pa
2d ago

Thanks doc

Hello po Doc, I'm almost 5 months postpartum. History of PCOS and irregular periods, minsan umaabot po ng months. Since nagbuntis hanggang ngayon, di pa po ulit ako nagkakaperiod. Nasabihan po ako na madedelay po ang period ko postpartum since exclusive breastfeeding po ako. Normal pa po ba na di magkaperiod ng ganito katagal? Thank you po

Magbasa pa

Hi Doc, good evening po , 2 months CS postpartum po ako, tatanong ko lang po hanggang kelan po magsusuot ng Binder? itatanong ko na rin po magaling na po sugat ko need ko pa po ba lagyan ng betadine at Gauze yung incision? natatakot po kasi ako baka mairritate, sana po mapansin , thank you in advance po 🙏

Magbasa pa
23h ago

thank you po Doc sa payo, God bless you po 🙏

hello po doc mag 2 months na baby ko sa dec 7, pure bf po sya ask ko lang po bakit po every dede nya sakin e nalungad po sya kahit pinapaburp naman po sya palagi after nya magdede minsan po madami po syang nilulungad parang halos po lahat ng dinede nya sakin any tips po doc para maiwasan ang paglulungad ng baby ko

Magbasa pa
2d ago

Trt changing your baby's position while breastfeeding.

Hello po doc. 3 months postpartum po ako. Regular period ever since. Formula feeding kay baby. Nitong October po nagka period na ako but twice po ako dinugo ng month of october. Like after 1 week meron na naman po mens. Tapos nitong november po umabot po yung bleeding ng 8 days. Normal lang po yun?

2d ago

Any bleeding that is happens less that 3weeks apart and lasts more than 7days if not normal and warrants investigation. Have yourself checked and have an ultrasound done.

hello po Doc. 6 weeks and 4days na po since I gave birth, but until now di pa po ako nag menstruation. Mix feed po ang baby ko, formula and breast milk. di po ako nag pump and e bottle direct po sya nag breast feeding sa akin. normal po ba yun na hanggang ngayon di pa ako nagka menstruation?