Naghuhugas ng plato at nagluluto padin po ba kayo kahit preggy? (First trimester) thanks!

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako hindi na makapag hugas ng plato.. wala din kasing lababo sa planggana lang nag hhugas ng mga plato at upo lang sa bangkito kaya hirap na ko kahit mag laba di ko na keri 31weeks na ngayon, pero keri pa mag luto luto sakit sa balakang pag matagal nakatayo ganun din pag nakaupo..

yes , mula first trimester hanggang ngayong third trimester ako padin ang nagluluto, mas okay na ako ang nagluluto lahat ng gusto ko nakakain ko hindi naman ako nagselan sa pagkain, first trimester lang ako nahirap dahil nagsusuka ako

VIP Member

Yes, luto, linis at magalaga ng 2 toddlers kaya ko, paglalaba lang hindi ko kayang gawin dahil nasira automatic wm ko, mabigat masyado mga damit ng asawa kong 6 footer 🤣 and nagiingat ako ng extra since twins ang pinagbubuntis ko.

During my first trimester, hindi ako gumawa nang kahit anong gawaing bahay, complete bed rest po ako. Kasi yun po pinaka crucial na stage. Pag tung tung ko na po nang 20weeks don na po ako nag start magkilos2 like light chores po.

light lang po na gawaing bahay since nag 3rd tri n po ako nkkagalaw na po pero ingat lng po pag nag lluto wag po maxado lumapit sa kalan kasi mainit po at mag rest po palagi wag po mag pa tagtag maxado...

Ako mi, hindi na. Maselan eh, pinag bedrest ni OB for almost buong 1st trimester. Ngayong second trimester na ko, ok naman na kapit ni baby, pero di parin ako oinag wowork ni hubby

yes first trimester hanggang manganak ako, ako nakilos sa lahat hindi naman ako maselan mag buntis at sobrang healthy ni baby 😊

Ako po hnd na buhat pa malaman buntis ako ng 5weeks si partner n lahat. Naghuhas ako one time nanigas ung binti ko at sumakit balakang. Pinagalitan nya p ko 🥲

pag maselan ka di ka makakilos kaya bed rest Ako for 2 months nun ngayon nmn nakakapaghugas na Ng Plato pero paglilinis at paglalaba ko ung partner Kuna gumagawa

yepz mi, kung wala ka naman pong nararamdaman ok lang po, basta wag lang matagal na tayuan, pahinga ka po pag mejo napansin nyong matagal na kayong nakatayo...