#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po, Doc. 13weeks 6days na po akong buntis. Pero due to lockdown hindi pa po ako ulit nakakapag pa check up. Wala po akong vitamins na tinitake at wala parin po mga laboratory na pinapagawa. Okay lang po kaya sa amin yun ng baby ko sa loob ng tyan ko? Any advice po? Salamat po

Hi doc. Last ko po ng regla ay nung Dec. 23 po. Minsan po sumasakit puson ko.. Last ko po Pa check up nung. Feb. Pa po di po kasi maka labas ng bahay dahil sa covid. Ano po ba pwd kung gawin pag sumasakit puson ko, para po ksing lalabas bby ko.. Thank you po..

Good afternoon doc..ok lang po ba mag-exercise (jump rope & abs workout) while nireregla?medjo malusog po kasi ako that's why I'm trying to loose weight just to prepare my body coz we're praying for having a baby. Sana masagot nyo po ako. Thanks po. God bless po..😊 #AskDok

Gd afternoon doc. Ask ko lng po kung normal po ba na may lumalabas na yellowish na para pong white mens sa akin.. mag 34 weeks preggy po ako.. nag start po eto simula nung 5 months preggy po ako.. tas maxado din po madilaw ang ihi ko... kahit po malakas ako uminom ng tubig...

Hi Doc! Good day po. Ask ko lang po kung normal lang po ba yung pagkakaroon ng acne sa likod, shoulders and neck? Meron din po ako sa face pero di po tulad ng sa back and shoulders. I am 22 weeks pregnant po with my 1st baby. 28 years old po ako. Thank you po ♥️ God bless!

90. Doc good afternoon.. 26 years old po ako at 13 weeks pregnant sa second baby ko.. EDD ko po ay October 19.. Hanggang ilang months po ako magte take nga maxifol folic acid? At ilang months ako po magstart ng calvit/calcium, at kung pwede po ba pag sabayin ang Calvit at prenarex?

6y ago

Thanks po doc.. Keep safe, God bless you..

20. Hi Doc.. im 22weeks pregnant.. And im experiencing sore eyes & tonsillitis po. . Ok lang po ba gumamit ng EYE MO, yung red color po sa eyes? And ok lng po ba magtake ng cefalexin (antibacterial)for tonsillitis po?.. Is it safe? Thank you po in advance Dra☺️Godbless po

6y ago

Thank you Dra.. Di nmn po ako nilalagnat so far Dra.. Nakakaramdam lang po ako ng mild tonsillitis po.. Ito po kasi lagi ang sakit ko ever since po.. Kaya every check up ko po before, lagi rin pong cefalexin ang binibigay ng doc sakin to treat tonsillitis po.. Pero nitong buntis n po ako, ngayon lang po ulit ako nagkatonsillitis Dra.. Regarding din nmn po sa sore eyes, sinusubukan ko po kumontak ng opthalmologist at magpasched kaso Due to lockdown po most of them walang sched and closed pa po.. Thank you Dra and Godbless po☺️

Hi doc sa pangatlong cs hindi po b tlga pwdeng lumampas ng 39 weeks. Advice kc ng ob ko 38-39 weeks paanakin nko. Dahil sa lockdown ndi nko nkabalik ospital. Pang 38 weeks ko na sa 3rd week ng may. Ibig sabihin punta nlng po ako non sa ospital kahil wla n check up? Thanks

96. Doc, 3 mos post partum, ECS. Normal lang ba na makati ung tahi at masakit sa singit at balakang? Paano ko po malalaman na may UTI ako? Yellow discharge pp ako and nag spot last week. Twice na po ako nag spot, last month at ngayong early april. Mens ko na po ba ito? Tnx doc.

6y ago

Hello po maam, need po ma check saan po nang gagaling un pain, if may infection po sa sugat, UTI, musculoskeletal pain, vaginal infection, constipation, gynecologic problems atbp. 2.) Based sa sintomas at Urinalysis/Urine culture po nalalaman ang UTI: lagnat, masakit na balakang o likod, masakit umihi OR pwede din walang sintomas pero may urinalysis po na may pus cells/ leukocytes. 3.) Hindi po normal ang yellowish discharge maam, pwede pong infection. If makakbili po kayo Neopenotran 500mg vaginal suppository po once a day at bedtime for 7 days po. Use Gynepro feminine wash po for 2 weeks, avoid sexual contact po 4.) Un menstruation po mahirap po idetermine kung regla na nga but if you're not breastfeeding, and its like your menstrual pattern before pregnancy baka yun na po yun. Do pregnancy test po para sure. Ingat po and pray po. COnsult po kayo sa OB nyo if mag patuloy ang problem.:)

45. Hi Dra. Normal po ba sumakit ang tyan particularly sa may bandang puson after manganak. Its been 1 week po after ko manganak bigla po ako nakaramdam pananakit ng tyan sa may bandang puson. Ano po ang mga dapat gawin and remedies para po mawala yung pananakit. Thank you po.

6y ago

Thank you, Doc. Keep safe