#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

27. Doc good day po!!..third trimester na po akong pregnant... since quarantine po d na ako naka pag-prenatal...umiinum Naman po ako Ng vitamin ko calcium at ferrous...tanong ko po sana Kung ano pong multivitamin pwede Kong inumin pa...okay lng po ba d pa me nakapag-prenatal?mag-7 months na po ako sa 28 this month...

Magbasa pa
6y ago

thank you po doc for your response...as of now po okay naman...magalaw po si baby ko... vitamin na lng po ako...

Doc... 6 weekd preggy nako. 32 years old first baby. Sabe may UTI ako. Natapos na ung sakit ng pantog ko mern naman bago prng bnblade ung itaas ng puson ko twing ttayo prng 3 to 5 seconds... Ang tanging reply ng ob lagi ay observe... sobrang sakit prng hinihiwa pero nawawala din naman normal po ba un salamat...

Magbasa pa

Hi Doc. Nanganak po ako Mar 7 2020 via Normal delivery single baby. 32 y/o. Wala na po akong bleeding and Breastfeeding din po ako. Ask ko po sana kung kailan safe bumalik sa pag eexercise like elliptical bike, planking at iba pang cardio. at pati na rin po kailan safe na makipag talik kay husband. Thank you.

Magbasa pa

Good day doc.. ako po ay 29yrs old at kasalukuyang buntis(14weeks) hindi po ako makapag pacheckup dahil sa covid19. ako po ay nagtitake ng folart 5mg.nasa second trimester na po ako itutuloy ko pa po ba ang folic at may mairerecommend po ba kayo na dapat itake for second trimester? thanks in advance po

Magbasa pa
VIP Member

Hi Doc. tanung ko lang po ano po ba ang susundin ko naguguluhan po ako kung ilang weeks na ako. pero alam ko po kbwanan ko na. Via transV: May 8, 2020 utz: May 2, 2020 utz: April 29,2020 Lmp ko po is July 25,2019 (4days lang po ako nireregla) Ps. sabe po sakin last week 3cm na daw po ako nung na IE ako.

Magbasa pa

Hi doc tanong ko lang po pagbrestfed po pwdi po bang gumamit ng toner, shark oil, whitining sa face ang nanay? Pwdi ba magtake ng vitamins, or paracetamol or other medicin ang brestfed my effect ba ito sa baby? Anu po pwdi etake ng nanay para dumami ang brestmilk? Anu po bawal kainin ng brestfed mom?

Magbasa pa

Hi po doc I m 40 yrs old po normal delevery po ako but then dinugo po ako dahil natamaan po ang malaking ugat daw po habang tinatanggal po ang inunan madami pong nwalang dugo desided na alisin napo ang matress ko. ask kolang po kung pwedeng exercise mag 1 yr napo ako ngayong may thx po..

52. Good pm doc..im 38yrs old, 29wks 4days pregnant..hight risk and apas diagnosed..normal po ba na mag lessen ang galaw ni baby sa tummy?napansin ko po kc na 2days na syang hindi masyado gumagalaw..unlike before na isang hawak ko lng sasagot na sya ng sipa..ngaun po pintig pintig nlng po at madalang po..

Magbasa pa
6y ago

Thank you doc...Godbless

Good afternoon po doc..7 months na po ang pinag bubuntis ko pang 3rd baby ko na po ito.huling check up ko nung first week of march at dina po na ulit dahil po sa quarantine.tanong ko lang po ano po itong lumalabas yellow green pwerta ko po kapag nag contact po kami ng aking mister.salamat po..

Hi doc gudafternoon..38 yrs old 24 weeks and 5 days pregnant doc pano po kya kung ma xtend ang ecq wala pa po kase ako record sa ospital na gusto kong manganak tatanggapin po kya nila ako dun!?and wala pa po akong ultrasound ng second trimester pano ko po malalaman kung ok po si baby salamat po..