Advicepls

Mga mommies any advice pano ko ihahandle ang baby ko na 10 months old. Lately kasi sobrang iyakin nya as in everyday sa lahat ng bagay nagwawala sya. Ang hirap nyang patahanin mga mie lahat ng pwede ko ibigay para malibang sya binibigay ko naman don't judge me po pero there was a time na napalo ko na sya ng bahagya at sobrang guilty ko after. Any advice po. I'm really trying my best to improve myself para sa anak. Mahal na mahal ko baby pero talagang nattest nya patience ko.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi ako sanay na sanay na kasi since mag 3 months baby ko lumabas pagkabugnutin. Hanggang ngayon 10 months na din sya. As in walang araw na di umiyak mabilis sya mainis pero mabilis din naman patahanin. Kahit sa madaling araw tulog sya umiiyak din tapos pag kinarga saka lang titigil. Sabi ng pedia nya may mga baby daw talagang ganun kaya nasanay na lang din kami ng asawa ko. Maraming times na din ako umiyak dahil nga sobrang nakakapagod pero syempre nanay tayo kaya after ng iyak balik na ulit sa dati. Kaya mo yan mi. Kaya natin para sa anak natin. Mas mahabang pasensya lang talaga.

Magbasa pa
3y ago

relate ako dito, mga mi. sobrang needy/ clingy din ni baby sa akin. iniiyak ko din minsan pag pagod na ako. good thing, nakauwi na kami probinsya at kasama ko na mama ko sa pag alaga. hugs, mga mi. 🫶

Same po with my 8months old baby. Ginoogle ko, by this time nagkaka sepanx na c bagets kaya gusto nya laging kapiling ang mudra. Kaya ang gawa ko hanggat gusto nya sakin go lang. Minsan nga kahit tulog na sya gigising pa sya to check if asa tabi nya pa ba ako e oras sana ng mabilisang linis ko na yun pero halaaa sige dede pa din. Lilipas din yang phase na yan mii itreasure nalang muna natin. Kase tayo lang din naman talagang mga mama nila ang makapaglilibang sakanila. Medyo nakakapagod din pero ang pagod naipapahinga din naman. Fighting lang tayo mga mii.

Magbasa pa

Possible Growth spurt, nag-iipin, or just a phase. Pero lots of patience din po... Understand na hindi pa nila kaya magsalita at magexpress ng sarili nila, and any discomfort ay idinadaan nila sa iyak. So yung cause ng pag-iyak nya pwedeng gutom, boredom, sakit, loneliness, constipation, antok, etc. etc. Best to consult with your pedia pa rin po para ma-assure kayo whether or not the crying are still within "normal", or if it's a cause for concern na. *hugs 🤗

Magbasa pa
TapFluencer

Mi, nakakapagod talaga mag alaga ng baby. Pero ang lagi ko lang pong iniisip para mas mahalin ko ang anak ko sa panahong napapagod ako sa kanya is "wala syang kasalanan kasi hindi niya hiniling na mabuhay sa mundong ito" tayo bilang magulang ang dapat magparamdam ng masarap mabuhay kahit mahirap. isipin niyo po, kung kayong nanay na mismo napapagod sa kanya pano pa po ang ibang tao. pahinga konti mi, pray lang, kayang kaya mo yan. 😘

Magbasa pa

lagi nio po icheck kung may mga papalabasan na ngipin ... dapat po kasi early month po lagi nadidiinan yung gums ng mga babies pag nililinisan para of ever may palabas ng ngipin di po ganon ka discomfort ... nagiging malambing,bugnuti ang baby kapag may nararamdaman ...

love him and give him affection. pag nagwawala sya isipin mo lang na he wants to be with u kase. he wants ur constant affection. hug him and ur anger will subside. maybe u just need each others presence and touch

May nafifeel po Yan na discomfort. Same sa baby ko nung 10 months din, reason nagngingipin. More patience miii. My daughter ow is 1 year old na and super kulit na di na iyakin.