6 months old
Hello mga mamsh, meron po ba sa inyo na mag start na sana ng solid food si baby pero hindi kumakain?? Halos na try na namin lahat na pwede pero umiiyak siya tapos lumalaban talaga siya na ayaw nyang kainin 😫 kung nakain naman nya ay konti lang talaga kasi niluluwa niya at nasusuka siya, haay nakaka pressure bat ganito baby ko.... ðŸ˜

Hi. First-time mom ako for a 6-month old baby girl, at dito lang din reference ko sa mga bagay-bagay. Nag-start na rin kami mag-solid food last week. I tried yung Gerber mashed fruit/veggie. Nakikipaglaban din sya nung sinubuan ko. Nilalabas nang dila nya yung isinubo kong katiting sa kanya, pero may nakain naman sya kasi nag-iba na poop nya. Base sa nabasa ko kay pareng Google, super konti lang daw talaga nakakain nila pag nag-start sila sa solid food. So hindi ako nagwo-worry. Pinapadede then pinapa-inom ko na lang sya nang tubig every now and then. Btw, nag-stop din muna ako pakainin sya nitong weekend. Bukas uli. Tapos ang goal ko ay makakain sya kahit 1 teaspoon lang na katumbas na food. Try not to worry too much po. You can also check with your pedia kung normal yung attitude nya regarding eating solids.
Magbasa pa

