Signs autism at 2 years old
May autism na po ba ang isang 2 yrs old kung hindi pa nakakapagsalita? Pero alam na ang ABCs, Numbers, Colors, Shapes, Fruits. Kaso minsan may sariling mundo. Kapag kinakausap siya, hindi ka titignan. Kelangan pang tawagin ang name niya. Ayaw din po ng karne ng baboy or anything na matigas. Ang gusto lang sabaw, kanin, bread, tas egg white. Ayaw din ng egg yolk. Hindi rin marunong mag hi. Pag bye naman, kelangan mo pa pilitin tapos ang gesture niya ng bye ay yung close open. Naglaline din po ng toys. Pero pag blocks naman, pinagpapatong patong naman niya. Tapos po sa gabi bago matulog, paulit ulit kumakanta ng ABC at ibang nursery rhymes na napapanood niya. Possible signs po ba yan ng Autism? Salamat po



